Maligayang pagdating sa Wikipedia!
Napiling artikulo

Ang alkimiya (mula sa Arabe: al-kīmiyā; mula sa Sinaunang Griyego: χυμεία, khumeía) ay sinaunang sangay ng likas na pilosopiya, isang pilosopiko at protosiyentipikong kaugalian na kinasanayan sa buong Europa, Indya, Tsina, at mundong Muslim. Sa kanluraning anyo, unang nabunyag ang alkimiya sa ilang mga tekstong sudoepigrapiko na nakasulat sa Greko-Romanong Ehipto noong unang ilang mga dantaon AD. Sinusubok ng mga alkimista na dalisayin, pahinogin, at perpektuhin ang ilang mga materyal. Karaniwang nilalayon ang chrysopoeia, ang transmutasyon ng mga "pangunahing metal" (e.g., tingga) sa mga "mariringal na mga metal" (partikular ang ginto); ang paglikha ng isang eliksir ng imortalidad; at ang paglikha ng mga panasea para sa paggamot ng kahit anumang sakit. Inakala ang kaganapan ng katawan ng tao at kaluluwa na resulta ng alkimikal na magnum opus ("Dakilang Gawa"). Iba't iba ang pagkakonekta ng konsepto ng paglikha ng bato ng pilosopo sa lahat ng mga proyektong ito. Sinaunang malaagham ang alkimiya na may elemento ng kimika, pisika, astrolohiya, sining, semiotika, metalurhiya, medisina, mistisismo, at relihiyon.
Alam ba ninyo ...

- ...na kabilang ang mga pinakabagong dagdag na Domus de Janas at Daang Apia (nakalarawan ang mapa), ang bansang Italya ang may pinakamaraming Pandaigdigang Pamanang Pook sa buong daigdig na kasalukuyang nasa 61?
- ...na ikalawang pinakamalaking sistema ng ilog sa Pilipinas ang Ilog Mindanao na tinatawag ding Rio Grande de Mindanao?
- ...na isinama ng magasin na Time noong 2011 ang mga tao-tauhang sundalo sa kanilang talaan ng 100 pinakasikat na laruan sa lahat ng panahon?
Sa araw na ito (Enero 5)
Napiling larawan

Si Sally Kristen Ride (Mayo 26, 1951 – Hulyo 23, 2012) ay isang Amerikanong astronauta at pisiko. Ipinanganak sa Los Angeles, sumali siya sa NASA noong 1978, at noong 1983 naging unang babaeng Amerikano at pangatlong babae na lumipad sa kalawakan, pagkatapos ng mga kosmonauta na sina Valentina Tereshkova noong 1963 at Svetlana Savitskaya noong 1982. Siya ang pinakabatang Amerikanong astronauta na lumipad sa kalawakan, na nagawa ito sa edad na 32.
May-akda ng larawan: NASA
Patungkol
Ang Wikipedia ay isang proyektong online na ensiklopedya na panlahat, nakasulat sa maraming wika, at pinagtutulungan ang paggawa ng mga artikulo sa prinsipyong wiki. Naglalayon ang proyektong ito na mag-alok ng mga nilalaman na malayang muling magagamit, walang pinapanigan, at napapatunayan, na maaring baguhin at mapabuti ninuman. Nakikilala ang Wikipedia sa pamamagitan ng mga naitatag na prinsipyo. Nakalisensiya ang nilalaman nito sa ilalim ng Creative Commons BY-SA. Maari itong kopyahin at muling gamitin sa ilalim ng parehong lisensiya, na sumasailalim sa paggalang sa mga kondisyon. Ibinbigay ng Wikipedia ang mga nilalaman nito ng walang bayad, walang patalastas, at hindi nagsasamantala sa paggamit ng personal na datos ng mga gumagamit nito.
Mga boluntaryo ang nag-aambag o patnugot ng mga artikulo sa Wikipedia. Nakikipag-ugnayan sila sa isa't isa tungkol sa kanilang mga pagsisikap sa loob ng pamayanang nagtutulungan at walang pinuno.
| Sa ngayon, mayroon ang Wikipediang Tagalog na: | |
| 48,712 artikulo |
245 aktibong tagapag-ambag |
Paano makapag-ambag?
Maaring maglathala ng online na nilalaman ang kahit sino basta't sundin nila ang mga pangunahing alintuntuning itinakda ng Pundasyong Wikimedia at ng pamayanan; halimbawa, pagpapatunay ng nilalaman, notabilidad, at pagkamagalang.
Maraming mga pahinang pantulong ang mababasa mo, partikular sa paglikha ng artikulo, pagbago ng artikulo o pagpasok ng litrato. Huwag mag-atubiling magtanong para sa iyong unang mga hakbang, partikular sa isa sa mga proyektong tematiko o sa iba't ibang espasyo para sa mga usapan
Ginagamit ang mga pahinang usapan upang isentralisado ang mga naiisip at kumento para mapabuti ang isang partikular na artikulo o pahina. Mayroon din sentrong portal o puntahan ng pamayanan, ang Kapihan, kung saan puwedeng pag-usapan ang pangkalahatang alalahanin sa pamayanang Wikipediang Tagalog. Pindutin ito upang magtanong o maghayag ng iyong naiisip para mapabuti pa ang Wikipediang Tagalog.
Kaganapan

- Agad na pinapalitan ng Malacañang ang Heneral na Pulis na si Nicolas Torre III bilang hepe ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas (PNP), ayon sa dokumentong nilagdaan ni Kalihim Tagapagpaganap Lucas Bersamin.
- Sa tenis, naging unang manlalarong Pilipino si Alexandra Eala (nakalarawan) na nakapanalo sa isang main draw match (laban sa pangunahing paligsahan) sa isang Grand Slam (Pambihirang Tropeo) sa Open Era (Panahong Bukas) matapos talunin ang taga-Dinamarka na si Clara Tauson sa unang rawmd ng 2025 US Open – torneong singles ng mga Kababaihan.
- Nagpahayag si Mayor Vico Sotto ng Pasig sa isang paskil sa Facebook ng pagdududa sa mga midyang nagbibigay ng plataporma sa mag-asawang Discaya, na inaakusahan ng pakikinabang sa mga pumalyang proyekto sa kontrol ng baha, sa pamamagitan ng pagbabahagi ng screenshot ng kanilang panayam kina Korina Sanchez at Julius Babao. Bilang tugon, ipinagtanggol ng mga beteranong mamamahayag ang kanilang ulat at iginiit na isinagawa ang mga panayam para sa interes ng publiko at hindi bilang bayad na promosyon.

-
Commons
Repositoryo ng midya -
Wikidata
Datos ng kaalaman -
Wikikawikaan
Mga sipi -
Wiksiyonaryo
Diksiyonaryo -
Wikispecies
Direktoryo ng mga espesye -
Wikivoyage
Gabay sa paglalakbay -
Wikisource
Aklatan -
Wikiversity
Kurso at aralin -
Wikinews
Balita at kaganapan -
Wikibooks
Aklat-aralin at manwal -
Wikifunctions
Librerya ng mga punsyon -
MediaWiki
Paggawa ng software na wiki -
Meta-Wiki
Koordinasyon ng proyektong Wikimedia
-
1,000,000+ artikulo
-
250,000+ artikulo
-
50,000+ artikulo
